Tuesday, April 12, 2011

Hindi ko malimutan

Noong una ko syang nakita, akala ko bata.. hahaha! Siguro dahil sa ayos lang nya na parang istudyante na nag-cutting class. Naka t-shirt, may suot na sombrero at naka rubber shoes at nakasabit sa likod nya ang kanyang back-pack (hahaha!) nagkatinginan kami nun ng sabay pareho. Pero deadma lang, kunwari di ko sya gaanong napansin. Noong una sa tuwing magkikita kami, nagtatanguan lang kami at nagngingitian, na parang sinasabing.. "oh hi!" pagkatapos nun wala na. Sumunod na pagkikita namin, nagkabatian na kami. Parang maihahalintulad yung pagkakakilala naming iyon sa isang lyrics ng kanta:

"No'ng tayo'y nagkakilala nang hindi sinasadya
Ikaw lang ang napansin, nahuli sa isang tingin
At sa pagbati mong napaka-lambing.."

Nang sumunod na mga buwan, nagkakausap na kami. Sa dalas naming nagkakausap, nararamdaman ko na unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya. Makulit sya, mahilig magpatawa at kahit minsan OA na ung mga patawa nya, hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit natatawa pa rin ako. Sa aming dalawa ako ang maraming kwento sa tuwing magkikita kami. Lagi ko syang kinukwentuhan ng kung ano-ano lang. Mga nangyari ng buong araw. Minsan nasabi ko pa nga habang magkausap kami, "ang dami ko ng kwento, napakadaldal ko talaga.."  Pagkatapos tumawa sya nun sa sinabi ko, ang sagot pa nya, "Hahahaha! Mas ok nga yun eh, naaaliw ako sayo". Then tumawa lang ako nun, tas sinabi pa nya, "Wala rin naman kasi akong masabi sayo eh.. hehe!" At hindi ko malilimutan ang araw na maramdaman ko na mahal ko na sya, parang katulad ng awit na ito:

"Hindi ko malimutan kung kailan nagsimulang
Matuto kung papa'no magmahal
At di ko malimutan kung kailan ko natikman
Ang una mong halik, yakap na napakahigpit
pag-ibig mong tunay hanggang langit."


At ngayon, hindi ko lubos maisip na mamahalin ko sya ng sya lang at wala na akong ibang nakikita. Minsan naiisip ko na subukan kong ibaling sa iba ang nararamdaman ko dahil natatakot akong umasa sa kanya ng sobra, pero kahit anong gawin ko sya pa rin at sya ang laman na isip ko.. 

"Hindi ko malimutan kung kailan nagsimulang
matutong ikaw lang ang mahalin
At di ko malimutan kung kailan ko natikman
Ang tamis ng iyong halik, yakap na napaka higpit
Pag-ibig mong tunay hanggang langit..."

Ayokong umasa na ako ang pipiliin nya sa huli, ayokong masaktan tulad ng naranasan ko na dati. Ayokong isipin na sya na ang para sa akin, dahil ayokong sa bandang huli manghinayang ako. Lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na "kung kami, kami talaga. Ano man ang mangyari.." 





No comments:

Post a Comment